...sa iyo,na isa sa mga nagbigay ng panahon upang sulyapan ang aking obra.maraming maraming salamat. nawa'y makapagbigay ito sa iyo ng kaaliwan at inspirasyon na kumatha rin ng ganitong klase ng mga obra maestra. at sa mga bihasa sa ganitong larangan,kung anu man po ang aking pagkakamali dito.sana po'y kayo na ang bahalang pumuno...isa sa mga layunin ko talaga ang maipalimbag ang aking mga kwentong naisulat.ngunit,dahil sa kakulangan ng pinansyal na suporta,hindi ko po magawa.sa mga hinangaan ang aking gawa,maraming salamat po.dahil po sa inyo lumalakas ang aking kumpiyansa sa sarili...at sa mga nanlait po sa akin at minaliit ang aking kakayahan,Diyos na po ang bahala sa inyo...
may akda
"LAKBAY PANTASYA sa DAIGDIG ng HIWAGA"
(The Adventurer)
--mga tauhan--
analyn dollente ginang rowena gadon mga arvintez
marlon tumaob ginang mercedes guro antivar
analy montero ginang villa galve florisca
mischelle espelembergo ginoong dumago eki
leo lucas ginang montero huru
romarie magayon ginang valiriana tacasa hadib
kenette galigao ginang dollente
mariett fetalco ginang falible
philip menorca
ernie galario
florestine falible
mary ann fernandez
San Andres National High School.Isa sa mga paaralang sekundarya sa Poblacion, San Andres, Romblon.Kung saan napakaraming mga estudyanteng nagsisipag-aral.Sa paglalakad sa pasilyo ng paaralan, karaniwang tanawin na ang makakita ng mga estudyanteng naka-upo sa may lilim ng puno at may nagbubuklat ng kuwaderno.May iba namang kala mo eh nagpipiknik.
Siya nga pala,ako si Kenette.Tawagin nyo na lang akong Ken for short.Hayaan mong ikwento ko sa iyo ang istorya ng aming grupo.
Dali-daling tumayo ang mga estudyante ng third year, pangkat molave. sabay sabay nilang binati ang kanilang guro sa chemistry.
"Good morning Ma'am!"
"Wow! Napakagandang tingnan! All my advisory are wearing their proper uniform. Anyway class, sorry for my being late."wika ng guroNagsasalita pa ang guro nang binulongan ni Mariett ang kanyang katabi.
"In fairness!!!Good mood ngayon si Madam!It means wala siyang regla ngayon!"
"Hoy! tumahimik ka,baka marinig ka ni Ma'am."saway ni Analyn sa kaibigan.
"Alright class,we have already discussed yesterday all about the compound elements and the chemical elements right? We also discussed the Ions and Cations. Now we are going to proceed for the next chapter of our lesson.Okey!Kagaya ng dati.Everyody stand-up.Kung sino yaong makakasagot siya'ng pwedi nang maupo."
Agad namang tumayo ang mga estudyante.Ang iba'y parang napipilitan sa pagtayo.Ganiyan talaga kami tuwing subject ng chemistry.
"Si Ma'am talaga oh...ang daming kaartehang nalalaman!"himutok ni Romarie
"Sssssshhhh....ang mabuti pa,sundin nalang natin ang ating commander in chief.Kesa naman umabot sa sermonizing ang araw na to'."saad ni Mischelle
Maya't maya pa'y nagsimula nang magtanong ang guro.
"What is the common name of NaCl or the Sodium Chloride?"nagpalinga linga ang guro upang pumili ng estudyanteng sasagot sa kanyang tanong.
"Kenette?what is the common name of Sodium Chloride?"
Medyo nagulat pa ako nang eawagin ang aking pangalan ng aming guro.Dahil sa tuwing tataas ako ng kamay at alam ko ang sagot,hindi ako tinatawag.Ngayong hindi ako nakapag study,tsaka naman ako tinawag ng aming guro.Ako naman,try and try lang.Hanggang makatsamba.
"Salt Ma'am?"halos hindi ako sigurado sa sagot ko.
"I think you are not sure in your answer.But it's correct!Okey sitdown!"
Susulyapan naman ng aming guro ang kanyang suot suot na relo.
"By the way class,It's already time.May pupuntahan pa akong meeting ngayon.We wil continue this tomorrow.Good bye class!"
"Goodbye Ma'am!"
Gaya ng dati.Pag nalaman ng buong klase na hindi sisipot ang susunod na guro.Kani-kaniyang umpokan ang mga estudyante.Animo'y palengke sa sobrang ingay.Kaya nga tinawag ito na public market ng campus.Pero sa lahat ng school rooms,ito ang ubod ng linis.
"Alam nyo mga guys,kagabi!Naku!Naku!Naku!Nakakatakot talaga ang experience naming magpipinsan kagabi!"simulang pagbibida ni Analyn Dollente.Isa sa mga Adventurer at kasalukoyang vice-president ng pangkat molave.
"Naku naman!Bigay na bigay iyang pagmumukha mo ah!Wahahaha!Para kang nakipagsabunotan sa sampung manananggal!"wika ni Mariett na abala sa paglalagay ng make-up.
"I'm serious guys."turan naman ni Analyn at bahagya pa'ng itinaas ang isang kamay.
Sasagot pa sans si Mariett nang biglang tumaas si Philip ng boses.Ang tumatayong kuya sa grupo.
"Ikaw Marieta!Wala ka talagang kwentang kasama!Kung gusto mong ayosin iyang mukha mong nasira,ayosin mo nalang.Hindi iyong basta basta mo nalang babarahin ang nagsasalita!"
......to be continued......

Hindi m n ito naituluy
ReplyDelete