"FEOR"
Sa mundo ng Astarvah, hindi inaasahan ng mga Mantar na magkakatotoo ang nakasaad sa aklat ng Harukav. Nasa krisis ang Feor, pakiwari ng mga Mantar pinabayaan sila ng Diyos nilang si Aquinaia. Isinagawa na nila ang ritwal upang humingi ng mga palatandaan na hindi matutuloy ang pakikidigma sa kanila ng Khalmariv-halam.
Ang dakilang paham na mismo ang nagsabi na hindi mapipigilan ang balak na pagsalakay ng Khalmariv-halam laban sa Feor.
Nagpulong ang mga Mantar upang pag-usapan ang tungkol sa magaganap na dugamaan.
"Hindi sinasagot ng ating Diyos ang ating panawagan na huwag magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Feor at ng Khalmariv-halam.Ngunit, ang dakilang paham at mga propeta na ang nagsabi na hindi na natin mapipigilan ito" wika ng pinunong Mantar.
"Kailangan nating pumunta sa templo ni Aquinaia at mag alay ng isang buong baka na may kasamang ensenso, isang bata mula sa lahi ng mg Ike at luha ng serena mula sa ilog ng Picares." wika naman ng isang Mantar
"Ginawa na natin lahat ng ritwal ngunit sadyang pinabayaan na tayo ng ating Diyos!"
"Ito na marahil ang kabayaran sa mga kasalanang ginawa natin.!"
Sa Khalmariv-halam, abala ang pinunong Ada sa pag iipon ng mga Gudama.
"Lahat ng Gudama'y bihasa na sa kapangyarihang Adar! Handa na tayong salakayin ang Lungsod ng Feor!Hindi na sila pinakikinggan ng kanilang Diyosang si Aquinaia!" wika ng pinunong Gudama.
"Pinunong Gudama, ang mensahera'y payaon na sa lungsod ng Feor upang iparating sa kanila na sasalakayin na natin sila."
"Mahusay!!! Ihanda ang lahat ng mga karwahe at kabayo! Susunod tayo sa mensahera!" anang pinunong Gudama.
Hindi lingid sa Feor na may lihim ding galit sa kanila ang Lungsog ng Khalmariv-salim. Ang lungsod ng mamahaling pabango at mga ensenso.
"May alitan sa pagitan ng Feor at Khalmariv-halam. Isang magandang pangitain! Sa oras ng pagsalakay ng mga Gudama, sasalakayin natin ang Khalmariv-halam!"
"Kailangan mapasa-atin ang lungsod ng Haspe at Kornalina!"
"Lungsod ng pulot-pukyotan at masasarap na alak at pasas!"
"Madali nang mapasa-atin ang Khalmariv-halam!"
Nakahanda na sa pagsalakay ang ang mga Gudama. Malalakas na tunog ng mga trumpeta ang naririnig sa buong lungsod ng Khalmariv-halam.
Samantala ang mga Mantar,hindi alam ang gagawin dahil sa natanggap na balita mula sa mensahera ng Khalmariv-halam.
to be continue.....
No comments:
Post a Comment